Sino nga bang makakaisip na magsagawa ng prenup photoshoot sa isang sementeryo?

Well, para sa magkasintahang taga San Nicolas, Cebu City na may kaugnayan dito ang ikinabubuhay, walang masama kung makasama nila ang mga patay sa isa sa mga highlight ng kanilang pagiging magkasintahan.

Pinili nina Stoney Jay Palomar, isang embalsamador at may-ari ng punerarya, at nobyang si Kayra Mae Geocallo na isang account executive sa isang jewelry company, na maging venue ng kanilang prenup photoshoot ang sementaryo, bilang simbolismo ng 'Till Death Do Us Part' na isa sa mga linyahan sa wedding vows.

11 taon na umanong nagsasama ang dalawa at may isa na silang anak. Nakatakda umano ang kanilang kasal sa Hunyo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinahagi ng kanilang wedding photographer na si Jon Dave Lepatan ang kanilang mga litrato. Si Carlo Abaquita ang nagsilbing wedding planner ng magkasintahan. Ang styling ay pinangasiwaan ni Geof Lagria habang si Arcelli Rago naman ang hair and make-up artist.