Isang taon matapos ilabas ni Olivia Rodrigo ang kanyang chart-topping debut album na “Sour,” pinasalamatan ng Fil-Am singer-songwriter ang mga taong yumakap sa kanyang first heartbreak.

Ipinagdiwang ni Olivia, ng kanyang producer na si Dan Nigro at ng kanyangg milyun-milyong fans sa buong mundo ang unang anibersaryo ng Sour nitong Linggo, Mayo 23.

“My first album SOUR came out a year ago today. It is impossible for me to sum up in words how much this album means to me and how grateful I am to have gotten the privilege to make it and watch it exist in the world,” mababasa sa caption ni Olivia sa serye ng mga larawan sa kanyang Instagram post, Linggo.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Pinasalamatan muli ng 19-anyos na singer si Dan, ang kanyang producer, na unang nagtiwala sa kanyang songwriting skills.

Sa isa sa mga ibinahaging larawan ni Olivia, mababasa ang unang mensahe ni Dan kay Olivia noong Pebrero 24, 2020. “Hey! Just wanted to reach out and say what a big fan I am of the stuff you’ve been writing! We should work together sometime.”

Mula rito, naging katuwang na ni Olivia ang music producer na nagsilang sa kanilang Billboard Hot 100 chart topping hits na “driver’s license,” at “good 4 u.”

"Thank u to everyone who has embraced my 17-year-old lamentations and forever changed my life in the process," ani Olivia.

Kabilang sa rekod ng “driver’s license” ang pinakatumabong kanta sa Spotify sa loob lang ng isang linggo sa kabuuang streams na 65,873,080 beses.

Ang parehong kanta ay tinaguriang “biggest-ever debut” sa kasaysayan ng Rolling Stone Top 100 Songs Chart.

Isang taon mula nang pumasok si Olivia sa music scene, kabi-kabilang pagkilala sa kanyang mga kanta at sa kanya mismo ang natanggap Fil-Am singer-songwriter.

Naging regular si Olivia sa mga award-giving bodies ngayong taon kabilang ang Billboard Music Awards, Brit Awards, American Music Awards (AMAs) at Grammy Awards kahanay ang music pillars sa kasalukuyang global pop culture pagdating sa records.

Hindi rin malilimutan ang pinaunlakan niyang imbitasyon ni US President Joe Biden sa White House para sa ilang adbokasiya ng pamahalaan kaugnay ng programa nito sa pagbabakuna.

Matapos ang matagumpay at makulay na unang taon ng karera ni Olivia, ang tanong ngayon ng fans--kailan aabangan ang susunod na album ng Fil-Am singer-songwriter?

Nauna nang ibinahagi ni Olivia ang kanyang patuloy na pagsusulat ng mga kanta, dagdag sa kanyang matagumpay nang karera sa global music scene.