Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell ng malaking dagdag at bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo sa Mayo 24.

Ayon sa anunsyo ng Shell, epektibo dakong alas-6:00 ng umaga ng Martes, magtataas ito ng P3.95 sa presyo ng kada litro ng gasolina kasabay ng pagbaba ng P2.45 sa presyo ng kerosene at P2.30 naman ang itatapyas sa presyo ng diesel.

Agad itong sinundan ng mga kumpanyang CleanFuel at PetroGazz sa kaparehong dagdag at bawas sa presyo ng kanilang petrolyo.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Nitong Mayo 17 huling inirollback sa P3.10 ang presyo ng diesel, P2.10 sa presyo ng kerosene at P0.40 naman sa presyo ng gasolina.