"Ganun ba talaga ang justice system dito sa 'Pinas?"

Galit ang naramdaman ni Cruz Maguad Jr., ama ng pinatay na Maguad siblings, nang makita niyang pinoprotektahan pa umano ang dalawang menor de edad na suspek.

Ibinahagi ni Cruz ang kaniyang hinaing sa kaniyang Facebook post noong Mayo 19, kung saan makikita ang isang video na naglalaman ng pangyayari matapos nilang malaman ang hatol sa dalawang menor de edad na suspek. 

Sinabi ni Cruz, na kahit nahatulan na ang mga suspek ay sila pa raw umano ang inaalagaan at binibigyan ng maximum security.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

"Let this known to the world... kung gaano ka unfair ang treatment ng mga kinauukulan sa victims against the criminals. Nahatulan na nga as murderers, sila pa ang binigyan ng maximum security. Kitang-kita sa video na 'to kung paano nila inaalagaan ang mga murderers o criminals na yan. Ganun ba talaga ang justice system dito sa 'Pinas?" saad niya.

"Napatunayan na nga na criminal intensive care pa ibinibigay ng gobyerno. Ni katiting, walang wala talagang kasalanan sa kanila ang aming mga anak. Halimaw talaga ang mga kriminal na yan.

"Tinadtad nila ng saksak ang katawan ng aming mga anak na walang kasalanan sa kanila. Hinding hindi magagawa ng normal na tao ang ganun. Demonyo at halimaw lang ang makakagawa nun," pahayag pa ni Cruz.

Noong Mayo 17, nahatulan ng kasong murder ang dalawang menor de edad na suspek na si "Janice" at ang kasama nitong lalaki na sinasabing isang sakristan o altar boy.

Nasa kustodiya pa rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Mlang, Cotabato ang mga suspek at hihintayin ang mga ito na tumuntong sa ‘legal age’ upang sila ay tuluyan ng makulong. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/19/mga-menor-de-edad-na-pumatay-sa-maguad-siblings-hindi-pa-makukulong/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/19/mga-menor-de-edad-na-pumatay-sa-maguad-siblings-hindi-pa-makukulong/

Pinatay sina Crizzle Gwynn at Crizvlle Louis Maguad noong Disyembre 10, 2021 sa loob mismo ng kanilang bahay. 

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/