Ipinakilala na sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo ang TV personality na si Robi Domingo bilang bagong host ng singing competition na Idol Philippines.

Ibinahagi ng Idol Philippines sa kanilang social media accounts ang poster ng bagong host.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

https://twitter.com/idolphilippines/status/1528232833361539072

"It is my honor to be part of this very iconic show," ani Domingo na siya ring kasalukuyang host ng "Pinoy Big Brother: Kumunity."

Sa isang tweet, sinabi ng bagong host na grateful siya na maging parte ng nasabing singing competition.

https://twitter.com/robertmarion/status/1528259527719542784

Matatandaan na si Billy Crawford ang naging host sa season 1 ng Idol Philippines.

Nagbabalik naman sa brand new season sina Asia’s Songbird Regine Velasquez at ang most-streamed female artist sa bansa na si Moira Dela Torre. Ipinakilala rin ang mga bagong hurado na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

https://twitter.com/idolphilippines/status/1528240690135986176

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/05/21/chito-miranda-bakit-nagdalawang-isip-maging-hurado-ng-idol-philippines/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/21/chito-miranda-bakit-nagdalawang-isip-maging-hurado-ng-idol-philippines/