Sinulatan umano ng Queen of all Media na si Kris Aquino ang beteranang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis. Naging emosyonal daw siya sa nilalaman ng sulat.

Hindi raw kinaya ni Lolit yung part na sinabi ni Kris na sana mabuhay siya hanggang marating daw ni Bimby ang hustong edad na maalagaan nito ang kapatid niyang si Joshua.

"Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino, Salve. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niya alagaan si Joshua. Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya," sey ni Lolit.

Tanggap daw ni Kris na nahihirapan siya sa kanyang sakit na halos hindi na makayanan. Maging sa pagsusulat ay iniinda na rin daw ng mahusay na TV host. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat," dagdag pa niya.

No holds barred kumbaga ang mga naging litanya ni Kris sa sulat sa mga sakit na kanyang pinagdadaanan.

Nalulungkot nga lang daw ang beteranang showbiz columnist sa kabila ng pain and all ni Kris, samu't saring negative reactions din ang mga sinasabi ng mga netizens.

Hinahangaan naman daw ni Lolit si Kris dahil nagpapakatatag ito para hindi mag-alala ang mga taong nakapaligid sa kanya. 

Sey nya, "I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya iyon pain na nadarama niya. Nakaka lungkot na negative pa iyon iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagdadaanan nito sa health niya. Kitang kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit.

"Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang pain at pinipilit ang katawan para hindi masyado mag alala ang mga tao sa paligid niya."

Pakiusap ni Lolit sa mga netizens maging mabait naman sila kay Kris. Dahil nga single mother ito at may dalawang anak na kinakailangan pa ng presence at guidance ng isang ina. 

Giit pa niya, "Maging malambot ang puso natin sa kanyang journey sa buhay, gabayan natin para hindi maging mahirap ang lahat para sa pamilya niya.         

"Hindi niya kailangan ang bashing, o anuman pagpuna sa ngayon. Sensitive siya dahil ayaw niya na pati mga anak ay maapektuhan.        

"She is worth loving, dahil isa si Kris Aquino sa totoong tao sa showbiz. Be kind to her. Love her."