Inaasahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na papalo sa ₱120 milyon ang susunod na draw sa Mayo 23.

Sinabi ni PCSO General Manager Royina Marzan-Garma na walang nakasungkit ng tumataginting na jackpot noong nakaraang draw, Mayo 21.

Ang winning combination noong May 21 draw ay 19- 14- 13- 40- 10-16 na may jackpot prize na ₱115,669,273.60.

Samantala, sinabi ni Garma na 17 bettors ang muntik nang manalo ng napakalaking jackpot prize matapos na sila ay kulang ng isang digit sa pagkuha ng Grand lotto jackpot.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

17 naman ang nanalo sa consolation prize na ₱100,000.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado