Maugong ang usap-usapang inaalok at pinapipili raw ang ABS-CBN reporter na si Ina Reformina ng posisyon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), o kaya naman ay sa state-run People’s Television Network (PTV), ayon sa isang artikulo para sa mga politiko noong Huwebes, Mayo 19.

Ayon sa usap-usapan, pinapipili raw si Reformina kung nais niyang maging Undersecretary sa PCOO o kaya ay general manager ng PTV, na hinawakan ni Katherine De Castro.

Matatandaang naging kontrobersyal si Reformina dahil sa paraan daw niya ng pag-uulat sa pangangampanya ni presumptive president Ferdinand Marcos, Jr. at presumptive vice president Sara Duterte. Tila nasermunan pa siya ng dating ABS-CBN reporter na si Kevin Manalo.

Espekulasyon ng mga netizen ay BBM-Sara supporter si Reformina.

May iba pang kumakalat na chikang ang iba pang reporters na sinundan ang campaign trail ng UniTeam at pawang magaganda ang naiulat, ay sinasabing inaalok ng government post.

Noong 2019, trending si Reformina matapos niyang ibahagi ang isang Bible verse na sumusuporta sa paniniwalang flat ang mundo.

Samantala, wala pang tugon o reaksyon ang ABS-CBN reporter tungkol sa balitang ito.