Maagang namigay ng Christmas gift si Vice Ganda sa kabuuang 150 staff ng 'It's Showtime' nitong Biyernes, Mayo 20.

“Ngayon pa lang,Showtimestaff, 130 people, lahat kayo makakatanggap ng Merry Christmas from Vice Ganda," aniya.

“Maganda ang gising ko. Yung 130, the staff, lahat kayo makakatanggap ng5,000 each,” seypa niya.

Ayon sa Showtime host, magandaang kaniyang gising dahil narealize niya kung gaano siya ka-blessed sa mga katrabaho niya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Sa buhay hindi puwedeng ikaw lang ang maganda. Hindi mo maa-appreciate ang ganda mo kung yung mga taong nakapaligid sa iyo hindi naman naaambunanng gandang iyan," anang ng Showtime host.

"You have been very kind to me and I woke up today realizing I have been so blessed to have you. And I just wanna put a simple smile on your faces today," dagdag pa niya.

Umabot sa 150 ang bilang ng buong staff.

“Parang palaki nang palaki, ah. Parang nagkakaabusuhan tayo dito, ah," pagbibiro ni Vice. Gayunman sinigurado niyang accounted ang lahat.

Kaugnay nito, hindi lang staff ang makatatanggapng Christmas gift kundi maging ang madlang pipol.

Mamimigay rin si Vice ng tig-10,000 sa limang masuwerteng viewers.