'Para sa ikaka-comatose ninyong lahat'

Pagkatapos ng kontrobersyal na  ‘Kape Chronicles’, ‘The Exorcism of Lenlen Rose’, at ‘Baby M', ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang kaniyang project concept na ipipresenta niya sa VIVA Films sa susunod na linggo. 

Ang proyektong may titulo na "Maid in Malacañang" ay tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos sa loob ng Palasyo sa pamamagitan umano ng isang 'reliable source.' 

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Kahit na nakatakda pa lamang ipresenta ang proyekto ay inalmahan na agad ito ng mga netizens. Sa isang Facebook post ng 'Cinema Bravo' ibinahagi nila ang nasabing proyekto ni Yap. Makikita naman sa comment section ang mga komento ng mga netizens.

"Dito mag start ang historical revisionism through his film."

"Feeling relevant amp. Babarilin ka ni Lino Brocka kung buhay pa yun"

"The Film Industry, Historians, and the Academe must condemn this... Start na ba ng lantarnag revision? Ano history through the eyes of the oppressors?"

"Maid in malacanang... Dapat slave of people in malacanang"

""Reliable source" ng isang apologist at fake news peddler. Meh"

"I bet the revenue of this film will not breakeven with its expenditures as the Apologists do not have money to spend on this garbage movie."

"Proud na proud sayo ang Presidente mo at ang 31 million filipinos na naniniwala sayo. Napaka well mannered mo"

"Wala kaming pake sayo Darryl Yap"

"Trying to be relevant director in this time of chaos. Don’t worry flap yang film mo Lenlen matutulad don sa Exorsis"

"San kaya pupulutin to pag natapos na kadimonyohan ng mga pulitiko na pinagtatanggol nya"

"Eh yung one reliable source ang sabi: Perception is real, truth is not.No thanks"

"I don’t even know why VIVA Films would support this if ever"

""through the eyes of one reliable source." LOL KA TALAGA DARYL YAP! So, ano to documentary or fiction?"

"Siya po ba yung nagbalot ng jewelries and diamonds sa diaper on their last day sa palasyo?"

"Narinig na namin side ng mga Marcoses beh. Kinidnap dw sila tapos nagulat dw sila na bakit sa Hawaii na sila pero prepared at nakabalot sa mga diapers ang diamonds? Wla ba ibang kwento?"

"Why are you giving this guy some attention. Huwag na sana kasi parsng feel niya legit pa siya. And it'll just contribute sa revisionism. Please lang"

"Last 72 hrs? How about the 20 yrs the Marcoses held power in the Philippines? Living like royalty while the people were poor and hungry? If they were really not greedy, why hold power for 20 yrs in a democracy? If the Philippines was really in a good state while they were in power, why maintain martial law all those yrs?"

"My gosh this is denialismI'm m sure he will share their side of history which is full of lies."