Kamakailan lamang ay marami ang nawindang sa kumakalat na litrato ng isang pahina ng menu book mula sa Amanpulo Clubhouse dahil sa presyo ng mga pagkain doon, na ang iba ay maaaring mabili at makita sa mga pangkaraniwang lugar, gaya sa mall o kaya naman ay sa simpleng karinderya o kainan.

Trending ang presyo ng mga pagkain sa Amanpulo dahil sa kumakalat na alegasyong dito raw gaganapin ang 'victory party' ni presumptive president Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., bagay na pinabulaanan naman ng spokesperson ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/presyo-ng-turon-iba-pang-pagkain-sa-amanpulo-ikinawindang-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/05/16/presyo-ng-turon-iba-pang-pagkain-sa-amanpulo-ikinawindang-ng-mga-netizen/

Ibinahagi ng isang netizen ang kuhang litrato ng isang pahina mula sa menu book ng sikat at mamahaling tourist island. Sa sandwiches, ang presyo ng clubhouse sandwich na Grilled chicken , white toast, bacon, lettuce, tomato, omelette guacamole ay ₱1,350.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang roasted chickpea gyros naman ay ₱950 na binubuo ng pita, tzatziki, romaine, red onion, at parsley. Ang Amanpulo burger naman na ₱2,100 ay 200g home ground wagyu patty, bacon, lettuce, tomato, cheddar cheese, cornichons, at onion jam.

Para naman sa dessert o panghimagas, nariyan ang buko pie na ₱850 na binubuo ng young coconut tart, condensed milk, coconut sorbet, at cashew nuts crumble.

₱600 naman ang presyo ng pumpkin fritelle na may sweet squash fried cakes, pandan creme, at dark chocolate dip.

Ang Ile flottante naman ay mango creme anglaise, sago, dried pomelo, cloud meringue, passionfruit sorbet na na nagkakahalagang ₱700.

₱300 per scoop naman ang daily selection of homemade ice creams and sorbets.

At ang turon nga na may kasamang ube ice cream ay ₱750.

Marami tuloy ang napatanong kung ano ba ang hitsura ng naturang turon o crispy banana spring rolls with ube ice cream.

Isang netizen na nagngangalang Khalel Czarine Tanalgo na nagbakasyon sa Amanpulo ang nagbahagi ng litrato ng kontrobersiyal na turon.

"AMANPULO TURON REVEAL!" saad niya sa kaniyang caption.

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Khalel Czarine Tanalgo

Sikat ang Amanpulo Luxury Resort sa Pamalican Island, Palawan bilang bakasyunan ng mga mayayamang tao at sikat na artista, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ilan lamang sa mga sikat na personalidad na napabalitang nagbakasyon dito ay sina Michael Jackson, Al Pacino, Brad Pitt, Robert De Niro, Madonna, Beyonce, at maging si Bill Gates.

Sa mga lokal na celebrity naman, nakapagbakasyon na rito sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey, Coleen Garcia at Billy Crawford kasama ang kanilang anak na si Amari, Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang anak na si Baby Dahlia Amelie, Luis Manzano at Jessy Mendiola, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Bea Alonzo at Dominic Roque, Solenn Heussaff at Nico Bolzico kasama ang anak na si Baby Thylane, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.