Ibinahagi ng self-proclaimed 'Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza ang kaniyang payo para kay 'Mother of all Pinkish', na bagama't hindi niya pinangalanan, ay ipinagpalagay na si presidential candidate at Vice President Leni Robredo, na kasalukuyang nasa New York City, USA, kasama ang mga anak, para sa graduation ceremony ng anak na si Jillian.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/vp-leni-ibinahagi-ang-pamamalantsa-ng-toga-atbp-habang-day-1-sa-new-york/">https://balita.net.ph/2022/05/16/vp-leni-ibinahagi-ang-pamamalantsa-ng-toga-atbp-habang-day-1-sa-new-york/

Ibinahagi rin ni Xian na na-take down umano ang nauna niyang Facebook post tungkol dito kaya umulit na lamang siya, at itinago na lamang sa ibang pangalan ang nais talagang patungkulan nito.

"Na-take down yung post ko. Bawal palang i-mention at i-tag si Mother of all Pinkish. Ulit ulit. Take 2!" ayon sa FB post ni Xian ngayong Mayo 18.

Sa kalakip na litrato, makikitang nag-selfie ang Pambansang Lalaking Marites sa loob ng isang eroplano, na ayon sa kaniyang deskripsyon ay nasa upper deck business class cabin siya.

"Mother of all Pinkish, nandito po ako ngayon sa upper deck business class cabin ng Emirates A380-800. Kung dito po kayo gumawa ng video ng tatlo mong anak, sasabihin nila nilulustay mo ang pondo ng iyong opisina."

"Noong nag-video naman kayo sa economy class, pakitang-tao daw po kayo."

Kaya may payo siya kay Mother of all Pinkish.

"Next time siguro magsiksikan na lang kayong apat sa CR ng eroplano at doon gumawa ng video para wala nang masabi ang mga hampaslupa na 'yan na araw-araw poverty class sa mga jeep at tricycle."

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Matatandaang umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang pagtungo ng pangalawang pangulo sa ibang bansa. Maraming nagsabing pakitang-tao lamang daw ang pagsakay ni VP Leni at mga anak sa economy class.

Bagama't Kakampink, sinita rin naman ni Xian ang mga basher sa alegasyong victory party umano ng team ni presumptive president Bongbong Marcos sa Amanpulo, na hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung totoo o hindi.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/xian-gaza-gigil-sa-kapwa-kakampinks-ukol-sa-isyu-sa-victory-party-ni-bbm-sa-amanpulo/">https://balita.net.ph/2022/05/16/xian-gaza-gigil-sa-kapwa-kakampinks-ukol-sa-isyu-sa-victory-party-ni-bbm-sa-amanpulo/

Ibinahagi naman ni VP Leni ang bonding moments nilang mag-anak habang nasa Big Apple.

Umani ang post ng 53K reactions at 4.6K shares.