Binigyang-parangal ang pasimuno ng Maginhawa community pantry na si Ana Patricia Non bilang 'Ambassador’s Woman of Courage' dahil sa kaniyang hakbang na tumulong sa mga Pilipino sa panahon ng pandemya ng COVID-19, lalo na noong 2020.

Ibinahagi ni U.S. Embassy in the Philippines Chargé d'Affaires, ad interim Heather Variava ang nakararangal na balita sa Twitter.

"Empowered and courageous women can change the world for the better. I presented the Ambassador’s Woman of Courage Award to Ana Patricia Non for her community pantry initiative that inspired Filipinos to combine resources and help one another during the COVID-19 pandemic," ayon sa tweet ni Variava ngayong Mayo 18, 2022. Kalakip nito ang litrato nila ni Non habang iginagawad ang sertipiko ng pagkilala.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

https://twitter.com/USAmbPH/status/1526721731850903553

Sa kaniyang Facebook post, nagpasalamat naman si Patreng sa parangal na kaniyang natanggap.

"Maraming salamat po sa U.S. Embassy in the Philippines sa pag-recognize ng Community Pantry at sa mga matatapang na kababaihan na nagtataguyod nito. Malaking bagay po ito sa aming mga organizers. Yakap po!"

Ang Maginhawa Community Pantry ay tila kabuteng sumulpot na rin sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at nagkaroon din ng iba't ibang bersyon, hindi lamang mga pagkain kundi maging mga aklat, damit, laruan, at iba pa.

Marami sa mga pamayanan, kompanya, grupo, o maging mga sikat na personalidad ang nag-organisa nito sa iba't ibang lugar.

Sumikat dito ang linyang "Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan."

Nakaranas din ito ng 'red-tagging' bagay na kinondena naman ng mga tao at maging ng mga mambabatas, gaya ni Senadora Nancy Binay.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/04/20/ang-kalaban-ay-gutom-hindi-ang-tumutulong-sen-nancy-binay-sa-red-tagging-sa-maginhawa-community-pantry-organizer/">https://balita.net.ph/2021/04/20/ang-kalaban-ay-gutom-hindi-ang-tumutulong-sen-nancy-binay-sa-red-tagging-sa-maginhawa-community-pantry-organizer/