Ipinagpalibang muli ng Commission on Elections (Comelec), na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC), ang nakatakda sanang proklamasyon ng mga nagwaging kandidato sa party-list race sa nakaraang 2022 national and local elections.

Sa sesyon nitong Martes ng gabi, inanunsiyo ng Comelec, na ipagpapaliban ang proklamasyon sa mga party-list race winners, bunsod na rin ng nakabinbin pang resulta ng special elections sa Lanao del Sur na isasagawa sa Mayo 24.

Ang nabanggit na hakbang ay batay na rin sa rekomendasyon ng supervisory committee ng NBOC na nagsabing ang resulta ng botohan sa Lanao del Sur ay makaaapekto pa sa pagtukoy ng mga winning party-list group at ng bilang ng puwestong dapat ipagkaloob sa mga ito.

“[It is recommended that] the proclamation for the winning partylist groups be done only after receipt of the results from the province of Lanao del Sur,” anang supervisory committee.

National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Sinabi naman ni Comelec chairperson Saidamen Pangarungan na sa sandaling matanggap na nila ang resulta ng naturang special election ay kaagad nilang ipagpapatuloy ang canvassing ng mga boto sa Mayo 25.

“We shall resume the canvassing of the party-list candidates on the 25th of May 2022 after the special election in Lanao del Sur on May 24,” ani Pangarungan.

Una nang itinakda ng Comelec ang proklamasyon ng mga winning party-list groups sa Mayo 19, Huwebes, gayunman, nagkaroon naman ng failure of elections sa Tubaran, Lanao del Sur.