Itinurn-over ng Supreme Court (SC) nitong Martes, Mayo 17, sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) pediatric cancer ward ang ilang kahon ng formula milk.

Ang donasyon ay itinurn-over nina SC En Banc Clerk of Court Marife M. Lumibao Cuevas at First Division Deputy Clerk of Court Maria Teresa B. Sibulo. Ito ay tinanggap ni Fr. Marlito G. Ocon, SJ ng UP-PGH chapel at chaplaincy.

Sinabi ng public information office (PIO) ng SC na ang donasyon ay ginawa bilang bahagi ng Kalinga Week project ng SC.

Nagsimula ang Kalinga Week project noong Hunyo 2021 nang ang iba't ibang tanggapan ng SC ay nagpalitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal at in-kind sa tatlong organisasyon na nangangalaga at naglilingkod sa mga mahihirap sa paligid ng SC sa Padre Faura Street, Ermita Manila — AJ Kalinga Foundation, Inc., Kawa Pilipinas, and the UP-PGH.

'Huwag na sana natin palakihin pa!' Kiko, nag-react sa pagkikita nina VP Sara, Leni

Ang proyekto ay "nagsusulong din ng maagang pagsusuri, isang kapaligirang nag-aalaga at sapat na suporta sa komunidad para sa mga batang may espesyal na pangangailangan…."

Rey Panaligan