Isang safety officer at dalawa pa nitong kasama ang inaresto ng awtoridad matapos masamsaman ng 50 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng ₱325,000 sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City nitong Mayo 16. 

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jesse Mar Valles,36,  safety officer, at residente sa 0406 (unit f6) 1st Street Sibulo 1 Subdivision, Nueva San Pedro Laguna; Jayson Ko, alyas Jayson, 38, dating call center agent, ng 52 Sangley St.,Green Heights Sucat Parañaque City; at Angenette Valle, 24,  Gatchalian Subdivision, Manuyo Dos, Las Piñas City.

Ayon sa report ni SSg Ronald John V. Lanaria,may hawak ng kaso, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office- Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit,Regional Special Operations Group at Anti-Carnapping Unit sa Room 417 Sultana Ysabella Hotel and Event Inc. na matatagpuan sa L4 Alabang-Zapote Road, Las Piñas City, dakong 10:15 ng gabi nitong Lunes na nagresulta ng pagkakaaresto ng tatlong suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang umano'y iligal na droga,drug paraphernalia, pouch, weighing scale,gunting at marked money.

Trillanes, sinita pagkikita nina VP Sara, Leni: 'Somebody is lying to cover up!'

Nadatnan naman ng mga pulis si Valles na bumabatak umano ng droga sa kasagsagan ng operasyon.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.