Nanawagan ang batikang showbiz columnist na si Lolit Solis na ipagdasal na gumaling at maging maayos ang kalagayan ng Queen of All media na si Kris Aquino.

Matatandaan na noong Lunes, Mayo 16, inamin ni Kris na ‘life threatening’ na ang kaniyang lagay, batay sa kaniyang Instagram post.

“Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko. I've always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH," sey ni Kris.

Basahin ang buong pahayag:https://balita.net.ph/2022/05/16/kris-may-rebelasyon-sa-kaniyang-sakit-we-found-out-life-threatening-na-yung-illness-ko/

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Instagram post ni Lolit Solis nitong Martes, Mayo 17, sinabi niya na sana gumaling na si Kris dahil tiyak daw ay palaging nasa isip nito ang mga anak na sina Josh at Bimby.

"Nakakaawa naman si Kris Aquino, Salve. Sana naman gumaling na siya dahil tiyak na lagi niyang nasa isip ang mga anak na sila Joshua at Bimby," ani Lolit.

"Kahit ano pa ang sabihin about Kris Aquino isang bagay hindi mo puwede isumbat sa kanya, ang pagiging mabait at mabuting mother sa mga anak niya.On top of her list talaga ang kapakanan ng 2 anak bago ang lahat sa buhay niya," sey pa niya.

Sure rin daw ang batikang manunulat na natakot ang aktres sa resulta ng kaniyang sakit.

"Kaya sure ako na takot siya sa resulta ng sakit niya hindi para sa sarili niya kundi para kay Joshua at Bimby," aniya.

Nanawagan din si Lolit na ipagdasal ang aktres, "Kaya naman sana ipagdasal natin na gumaling at maging maayos ang katayuan ni Kris Aquino."

Samantala, nag-iwan din siya ng mensahe sa aktres.

"Get well soonest Kris, kayanin mo lahat iyan. Stay strong and give your all, we will pray for you. Sana nga gumaling na siya. At sana maayos din kalagayan nila Joshua at Bimby. Hugs and kisses for the Aquino's."