Inamin ng vlogger na si Zeinab Harake na nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari sa kanila ng dati niyang nobyo na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee.

"Nasasaktan parin naman ako pero nasasanay na akong okay na :)" tweet ni Harake nitong Lunes, Mayo 16, 2022.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

https://twitter.com/ZeinabHarake11/status/1525925442406215680

Halos kasabay ng kainitan ng halalan noong Mayo 9 ay ang pasabog na rebelasyon ni Harake na hiwalay na sila ulit ni Skusta Clee, sa Mother’s Day episode ng Toni Talks ni Toni Gonzaga noong Mayo 8.

Naging emosyunal si Harake sa pagbabahagi ng masasakit na karanasan niya sa buhay bilang isang ina at partner kay Skusta na ilang beses na ring dumaan sa alanganin ang kanilang relasyon.

“May mga away kami mula January, pero yung away mag-asawa lang na akala ko pag nag-aaway kami kakabati kami, okay na. Hindi pala. March, doon na talaga na lagi niya na akong iniiwan sa bahay,” pagbabahagi ni Zeinab.

Naging maayos naman daw ang pagsasama nila ni Daryl noong una subalit nang pumasok ang Enero 2022, dito na naman sila nagkaroon ng problema.

Nagkakalabuan na rin sila sa panahong nagdadalantao si Zeinab sa kanilang pangalawang anak na sihttps://balita.net.ph/2022/04/14/zeinab-harake-nakunan-sa-pangalawang-baby-dedma-na-kay-skusta-clee/"> Moon, ngunit dulot din ng stress ay nakunan si Zeinab.

“Dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kaniya. Alam niya na buntis ako… hirap po talaga yung pagbubuntis ko kasi Moon, medyo maselan,” emosyunal na pagbabahagi ni Zeinab.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/

Ilang araw ang nakalipas matapos ang interview ni Harake, lumabas ang opisyal namusic video ng bagong awitin ni Gloc-9 tampok si Skusta Clee na may pamagat na ‘Kumpisal’ noong Biyernes, Mayo 13.

“Di bibilangin ang pagkakamali… Patawarin mo akong muli…” bahagi ng lyrics ng awitin, bagay na umani naman ng bash mula sa mga netizen at naiugnay sa isyu ng hiwalayan nilang muli ni Harake. Inakusahan pa ng mga netizen si Skusta na ginagamit ang isyung ito para sa promosyon ng naturang awitin.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/15/mga-netizen-napa-react-sa-music-video-ng-kumpisal-ni-gloc-9-tampok-si-skusta-clee/