Tila gigil na ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza sa mga isyung pinupukol ng kapwa niyang kakampinks sa umano'y victory party ni presumptive President Bongbong Marcos Jr. sa Amanpulo.  

"Tigil-tigilan niyo na 'yung Amanpulo ni BBM. Saan niyo pala siya gusto mag-victory party? Sa Jollibee?" saad ni Gaza sa kaniyang Facebook nitong Lunes, Mayo 16 matapos pumutok ang isyu tungkol sa nasabing victory party.

"Lahat na lang hinahanapan niyo ng butas," pasaring ng Pambansang Marites sa mga kakampink.

"Nag-private jet ba sila papuntang Iceland? Mga OA na 'to nakakainis," dagdag pa niya.

Certified kakampink o taga suporta ni Robredo si Gaza. Kahit na ganoon ay pupunahin pa rin niya kapag may nakita siyang mali.

"Pupunahin ko kapag may mali. Pucha wala akong makitang mali sa Amanpulo na yan napaka-big deal amputek," sey naman siya sa comment section.

Binabatikos kasi ng mga netizens ang kumakalat na Balita na isasagawa umano ang victory party ni Marcos sa Amanpulo.

Sikat ang Amanpulo Luxury Resort sa Pamalican Island, Palawan bilang bakasyunan ng mga mayayamang tao at sikat na artista, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Sinasabing ang pananatili ng isang buong gabi sa isla ay maaaring magkahalaga ng ₱79,000 sa pinakamababa at pinakamataas naman ay ₱500K pataas, depende sa tagal ng pananatili roon.

Kaugnay nito, kumalat sa social media ang larawan ng menu book mula sa Amanpulo Clubhouse dahil sa tila malagintong presyo ng mga pagkain doon,na ang iba ay maaaring mabili at makita sa mga pangkaraniwang lugar, gaya sa mall o kaya naman ay sa simpleng karinderya o kainan.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/16/presyo-ng-turon-iba-pang-pagkain-sa-amanpulo-ikinawindang-ng-mga-netizen/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/16/presyo-ng-turon-iba-pang-pagkain-sa-amanpulo-ikinawindang-ng-mga-netizen/

As of writing, wala pang pahayag ang kampo ni Marcos kung gaganapin nga ba ang victory party sa Amanpulo.