Nasa Amerika na sina Vice President Leni Robredo at mga anak para daluhan ang seremonya ng pagtatapos ng bunsong anak na si Jillian sa prestihiyosong New York University (NYU).

Nagtungo sila sa US noong Sabado, Mayo 14, batay sa FB post ni VP Leni.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/14/robredo-lilipad-ng-amerika-ngayong-sabado-para-sa-graduation-ni-jillian-sa-nyu/">https://balita.net.ph/2022/05/14/robredo-lilipad-ng-amerika-ngayong-sabado-para-sa-graduation-ni-jillian-sa-nyu/

Pagbabahagi ni Robredo, ito ang unang pagkakataong makapagbabakasyon sila bilang pamilya mula nang pumanaw ang asawang si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Chief Jesse Robredo noong 2012.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sa kaniyang Instagram story ngayong Mayo 16 ay makikita ang ilan sa mga ginagawa niya bilang isang ina habang magkakasama silang pamilya sa kanilang tinutuluyan.

Ibinahagi niyang habang nasa economy class na eroplano sila ay nanonood siya ng 2022 romantic comedy movie na 'Marry Me' habang ang anak na si Jillian ay abala naman sa pagresolba ng Math problems.

"Me watching 'Marry Me' on the monitor. Sarap na bumiyaheng walang trabahong dala at walang speech na kailangang i-edit", ayon sa kaniyang text caption.

Screengrab mula sa IG/VP Leni Robredo

Sa isa pang IG story, ibinida naman niya ang pamamalantsa ng togang gagamitin ni Jillian.

"First order of this trip: ironing Jillian's toga," aniya.

Screengrab mula sa IG/VP Leni Robredo

Sa isa pang Instagram story, matapos daw mamalantsa ay nag-grocery naman sila.

Screengrab mula sa IG/VP Leni Robredo

Ibinahagi rin niya ang kanilang paglalakad-lakad.

"Walking to everywhere. The dream for more walkable cities in the PH continues," aniya.

Screengrab mula sa IG/VP Leni Robredo