Matapos ang 'heartbreaks' sa loob lamang ng magkakasunod na araw dahil sa pagkatalo ng mister na si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan at pagpanaw ng kaibigang stylist-actor na si Fanny Serrano, masayang ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang Instagram post ang pagpapasalamat niya sa Team Kiko.

Nirepost ni Shawie ang IG post mula sa IG account na '@megatitas' o Sharon Cuneta Titas kung saan makikita ang kanilang munting pagtitipon ng Team Kiko. Ayon sa post, naganap ito noong Mayo 13 ng gabi.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

"Kagabi. Sa aming pagpapasalamat sa Team Kiko at mga kaibigang artista at hindi na walang humpay na tumulong sa laban namin sa nakaraang kampanya," pahayag ni Sharon sa kaniyang IG post noong Mayo 13.

Aniya, magkahalong emosyon ang nararamdaman niya para sa bayan.

"Masaya kami kahit malungkot para sa bayan at sa mga nagkaroon ng pag-asang maging kulay rosas ang bukas natin, dahil ang boto namin ay nasa right side ng history!"

Noong Mayo 12, ibinahagi naman ni Mega ang pink ribbon na may nakalagay na Leni-Kiko.

"Sabi nga ng niece namin na si @gabpangilinan , 'Walang nasayang, naumpisahan pa lang…'" aniya sa caption.