Nasamsam ng pulisya ang nasa P272,000 halaga ng shabu mula sa isang umano'y big-time na nagbebenta ng droga noong Sabado ng madaling araw, Mayo 14, sa San Miguel, Bulacan.

Batay sa ulat na isinumite kay Col. Charlie A. Cabradilla, acting Bulacan police director, naaresto ang suspek na si Ronaldo de Guzman alyas “Bats”, sa isinagawang buy-bust operation ng San Miguel police.

Nakuha ng mga operatiba mula sa suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 40 gramo.

Nasa 12 drug personalities din ang nahuli sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Balagtas, Bocaue, Bulakan, Bustos, Guiguinto, Malolos, Pulilan, at San Jose del Monte.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Freddie Velez