Ibinahagi ng direktor ng VinCentiments at tagasuporta ng BBM-Sara tandem na si Darryl Yap ang video clip ng pagpapasalamat ni presumptive president Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano, na malaking-malaki ang naging bahagi sa kampanya ng UniTeam.

Para kay Direk Darryl, silang dalawa ang unang taga-showbiz na pinakaunang tumindig at hindi natakot para sa kanilang paninindigan. Sulit umano ang pag-cancel sa kanila ng illan.

"Ang Mensahe ni #PBBM sa mag-asawa."

"Direk Paul and Toni for #UNITEAM."

Kung meron mang mas nauna pa sa kahit na sino sa showbiz ngayon na tumindig at humawi ng agam-agam ng lahat ng natatakot magsalita para kina #BBMSARA2022, sila 'yun."

"Sulit ang pagcancel ng iilan, para sa pagtanggap ng mas nakararami."

"Hindi sapat ang mga salita ng susunod na Presidente para ilarawan ang ambag ninyong mag-asawa sa tagumpay ng 31 Million Filipinos na ating ibabahagi sa mga patuloy na nagdududa at nangangamba."

"Thank You and Congratulations, Direk Paul Soriano and Toni Gonzaga!" ani Direk Darryl Yap.

Samantala, narito naman ang mensahe ni BBM sa mag-asawa:

“We should congratulate them for the fine work that they did. In front of me is Miss Toni Gonzaga. Sabi ko nga kanina na siya, ang nag-start ng kampanya na ito. Noong pumutok yung interview sa akin at kriniticize siya, ang tapang tapang nito," ani BBM na ang tinutukoy ay ang 'ToniTalks' kung saan unang nakaranas ng cancel culture ang actress-TV host.

"I didn’t expect that, this elegant lady, would be able to withstand these criticisms. Sabi ko nga kay Paul ‘yung asawa mo, lahat ng problema kayang harapin.’ Nag-10 million, 11 million yung aming interview, sabi ko mukhang may pag-asa tayo, puwede na natin itakbo."

"Sinundan pa ni Paul who did our ads. Sa aking palagay, nobody can contest at malayung-malayo. Ginagaya nga eh. Di ba yung isa o dalawang ads natin ginagaya? They were that good and we kept the momentum going and the message alive,” mensahe naman para kay Direk Paul na umani rin ng batikos dahil sa hayagang pagsuporta kay BBM, na ninong nila sa kasal ni Toni.

Sa kaniyang Facebook post naman ay nagpasalamat si Direk Paul kay BBM.

Paul Soriano, Toni Gonzaga, at Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

"Thank you to our President Bongbong Marcos for your generous and kind words. Grateful and honored!!" aniya.