Nagbigay ng mensahe ang singer at songwriter na si Ogie Alcasid para sa composer ng ‘Rosas’ at ‘Kay Leni Tayo’ na si Nica del Rosario.

"Finally met Nica Del Rosario. The Lady who penned the song that makes us stop, think and feel. God bless you dear Nica," saad ni Ogie.

"I share a spirit with you that is so divine and special-The spirit of music. Keep writing the anthems of today’s youth dear nica and keep flying. God bless you," dagdag pa niya.

Kilala si del Rosario sa larangan ng musika. Katunayan siya rin ang nag-compose ng hit song na 'Tala' ni Sarah Geronimo.

Ngayon ay mas namayagpag ang kaniyang pangalan dahil sa campaign songs ni Vice President Leni Robredo na 'Rosas' at 'Kay Leni Tayo.'

Ibinahagi rin ni del Rosario ang una nilang pagkikita ni Robredo sa San Carlos, Negros Occidental noong Marso 11, 2022.

https://twitter.com/nicadelrosario/status/1502165272463286277?