Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na huwag maniwala sa infographic kaugnay ng pagsasailalim ng Metro Manila at apat na lalawigan sa General Community Quarantine with heightened restrictions simula Mayo 15 hanggang Mayo 31, 2022.

Ang nasabing infographic ay minanipula at ang impormasyong nakasaad dito ay peke, ayon na rin sa anunsyo ng Department of Health (DOH).

Ang pamahalaan ay hindi na rin gumagamit ng kategorya ng community quarantine dahil alert level system na ang kasalukuyang ginagamit, ayon naman sa MMDA.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na alamin muna ang pinagmulan ng impormasyon bago paniwalaan.

Trillanes, sinita pagkikita nina VP Sara, Leni: 'Somebody is lying to cover up!'

Idinagdag pa ng MMDA, kung mayroong katanungan, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa official social media page ng MMDA.