Usap-usap ngayon sa social media ang pangre-red tag umano ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo sa Adarna Publishing House. Dahil umano ito sa isinagawang sale ng local publisher sa mga librong pambata na tungkol sa Martial Law.

Noong Miyerkules, Mayo 11, inanunsyo ng Adarna House na magbibigay sila ng 20% discount sa mga librong pambata na patungkol sa Martial Law. Kabilang dito ang “Ito ang Diktadura” ni Equipo Plantel, “EDSA” ni Russell Molina, “Isang Harding Papel” at “Si Jhun-Jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Militar” ni Augie Rivera, at “The Magic Arrow” ni Bolet Banal.

View this post on Instagram

A post shared by Adarna House (@adarnahouse)

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ayon kay Monteagudo,nira-radicalize ng Adarna House ang mga batang Pilipino laban sa gobyerno.

“This is how the CPP/NPA/NDF radicalize not just our youths, but our children. The Adarna Publishing House published these books and they are now on sale to subtly radicalize the Filipino children against our Government, now!” saad ni Monteagudo sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 12.

Nagkomento rin si Usec. Lorraine Badoy sa post ni Monteagudo, aniya "The target audience of Adarna is from toddler to elementary level children. That early, they are planting hate and lies in the tender hearts of our children. Mga demonyo talaga."

screenshot mula sa Facebook post ni Monteagudo

Gayunman, kinondena ng author ng “Si Jhun-Jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Militar” na si Augie Rivera ang mga paratang at alegasyon ni Monteagudo.

“Mariin kong kinokondena at itinatanggi ang mga paratang at alegasyon na isinasaad sa Facebook post sa ibaba. Wala akong kahit anong koneksyon sa mga grupong nabanggit,” ani Rivera sa isang Facebook post na may kasamang screenshot ng post ni Monteagudo.

“At isinulat ko ang librong “Si Jhun-Jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Militar” noon pang 2001, bilang bahagi ng 5-book series na “Batang Historyador” na pinublish ng Unicef Philippines at Adarna House. Bilang "historical fiction,” tampok dito ang mga kuwento ng pakikipagsapalaran at pagkamulat ng mga kabataan at mahahalagang pangyayari at aral ng ating kasaysayan,” dagdag pa niya. May kalakip din itong #NoToRedTagging.

Trending topic ngayon sa Twitter ang Adarna House na may 7,851 tweets, as of writing.

Samantala, nag-react din angNew York Times bestselling authorna si Neil Gaiman sa naturang alegasyon sa Adarna House.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/13/british-writer-neil-gaiman-nag-react-sa-umanoy-pagrered-tag-sa-adarna-house/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/13/british-writer-neil-gaiman-nag-react-sa-umanoy-pagrered-tag-sa-adarna-house/