Mukhang may balak kuning endorser ng isang sikat na beauty product ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica "Kitty" Duterte matapos ang panawagan na ilang netizens na tanggalin si Andrea Brillantes bilang product endorser.

"Sige, kung makukuha natin siVeronica Duterte, why not?" saad niMiss Glenda Victorio, CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc.,nitong Biyernes, Mayo 13 matapos niya makita ang mga edit ng ilang mga netizens na nilalagay ang mukha ni Kitty sa packaging ng kaniyang produkto.

edited photo from Facebook

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Gayunman, wala namang pahayag ang CEO kung papalitan na ba si Andrea o idadagdag lang si Kitty sa listahan ng mga endorsers ng naturang produkto.

Matatandaan na pinuputakti umano ngayon ng kritisismo si Andrea Brillantes dahil umano sa mga binibitiwan niyang pahayag sa social media laban sa resulta ng naganap na halalan, sa pangunguna nina presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos at vice president candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ibinahagi ni Miss Glenda ang mga screenshot ng iba’t ibang maaanghang na komento ng ilang UniTeam supporters na humihiling sa kaniyang tanggalin na si Andrea bilang product endorser.

Nakikiusap si Glenda na huwag na umanong yakapin ang ‘cancel culture’ at pabayaan na si Andrea sa pagpapahayag nito ng saloobin, reaksiyon, at damdamin sa social media. Huwag din daw idamay ang kaniyang produkto. Aminado rin si Miss Glenda na isa siyang BBM-Sara supporter.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/12/andrea-pinapaligwak-ceo-ng-ineendorsong-beauty-product-may-pakiusap-sa-uniteam-supporters/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/12/andrea-pinapaligwak-ceo-ng-ineendorsong-beauty-product-may-pakiusap-sa-uniteam-supporters/

Samantala, umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens ang post ni Miss Glenda.

"Elegant inside and out with Brain.Yes to kitty."

"Go Madam. Kunin na si Kitty Duterte. Bibili ako nang maraming Brilliant"

"Veronica Duterte . Yan na po bago niyong face kay brilliant madam wag na si andrea ma issue yun . Damay pa products nyo po"

"She deserve it Kitty duterte"

"UP mas maganda talaga si kitty, Tahimik di gaya ng isa jan dipa nka move on epekto ng higop ng mantika"

"deserve talaga ni Kitty...... I'm excited to see the new face of Brilliant..."

"Kitty is much better than her."

"yes madam gooo get kitty she's a beautiful and have a class! and respetadong bata hindi palaaway"

"Sana nga palitan na Kaysa nmn toxic na mukha makikita mo lagi ah ahImbes Gaganda ka stress agad sasalubong sayo kapag ginamot mo yung sabon. right desisyon po yan maam"

"Yes to Kitty Duterte! An epitome of beauty with brain"

"Sarap lalo mag push ng brilliant product if c kitty duterte naNew face of brilliant"