Nagpasalamat si Senador Imee Marcos sa mga sumuporta sa kaniyang kapatid na si presumptive president Bongbong Marcos Jr. 

"Bilang panganay, hayaan ninyo akong ipaabot ang pasasalamat ng aming pamilya. Mula sa nanay ko, kay Irene, at siyempre kay Bongbong. Alam n'yo naman ang ate, bilang kampeon ng barangay lalo na ng sining at kultura, hindi kayo iniwan mula sa kampanya hanggang ngayon na patapos na ang bilangan ng boto," saad ni Imee sa kaniyang video message na inupload sa page ng VinCentiments nitong Miyerkules, Mayo 11.

Pinasalamatan din niya ang viewers ng kanilang Len-len series na kaniyang pinagbibidahan. Ito ay isinulat ng direktor na si Darryl Yap.

"Maraming salamat sa 80.7 million views ng aming Len-len series sa social media at kahit sinasabi ninyo na ito ang pinakamabisang kampanya, ako'y naniniwala pa rin na ang pinakaepektibo ay ang legasiya ng aking ama," anang senador.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

"Kayo po at ang 30 million plus na boto ang tunay na tagumpay, at paalala na hindi nagmamaliw ang inyong pagsuporta at pagmamahal sa amin.

"Muli po, maraming salamat. Mula noon hanggang ngayon, Marcos pa rin." 

Kasalukuyang nangunguna sa partial at unofficial results ng election returns ngComelec si dating Senador Bongbong Marcos Jr. gayundin ang kaniyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.