Tila may pinapatutsadahan ang social media personality at komedyanteng si Awra Briguela sa kaniyang tweet tungkol sa isang tao na gumawa pa ng kanta matapos ang umano'y kalokohan na ginawa.

"Kapal din ng mukha nung isa dyan na maglalabas pa ng kanta pagkatapos niya gawin lahat ng kagaguhan niya," sey ni Awra sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Mayo 11.

"Kumpisal pa nais mo eh inabot ka nga ng dalawang araw bago ka umamin kahit huling huli kana," dagdag pa ni Awra.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1524407095956676612

Haka-haka na ang pinatututsadahan nito ay si Skusta Clee na nakatakdang maglabas ng bagong kanta na humihingi umano ng tawad, matapos pag-usapan online ang isyu nila ng vlogger na si Zeinab Harake.

“‘Di bibilangin ang pagkakamali. Patawarin mo akong muli,” ani Skusta Clee sa kaniyang Facebook post nito lamang Miyerkules. Nakatakda lumabas ang bagong kanta sa Biyernes, Mayo 13.

Matatandaan na halos kasabay ng kainitan ng halalan noong Mayo 9 ang pasabog na rebelasyon ni Harake na hiwalay na sila ulit ni Skusta Cleesa Mother’s Day episode ng Toni Talks ni Toni Gonzaga noong Mayo 8.

Naging emosyunal ang vlogger sa pagbabahagi ng masasakit na karanasan niya sa buhay bilang isang ina at partner kay Skusta na ilang beses na ring dumaan sa alanganin ang kanilang relasyon.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/

Si Awra Briguela ay matalik na kaibigan ni Harake.