Isa ang aktor na si Aljur Abrenica na makapagpapatunay umano na may mabuting puso ang kaniyang biyenang si Robin Padilla, na nanguna sa senatorial race matapos ang halalan noong Mayo 9.

Matapos ang halalan noong Mayo 9, gabi pa lamang ay lumabas na ang partial at unofficial election results kung saan nangunguna nga ang action star sa Top 12 na mga senador, pumapangalawa naman ang muling nagbabalik sa senado na si Loren Legarda.

Marami raw talagang natulungang tao si Robin lalo na sa mga taga-showbiz, sey ni Aljur sa story conference ng 'The Revelation' kahapon ng Miyerkules, Mayo 11, 2022, na ginanap sa Nile Bar, Malate, Manila. Iyon daw ang labis na hinahangaan ni Aljur sa ama ng estranged wife na si Kylie Padilla, bagay na katangian umano ng isang mabuting lider.

"He deserves to be number one talaga, para sa akin! Kaya I’m so happy for him!," bida pa ni Aljur.

Iginagalang naman ng aktor ang mga taong nangmamaliit at nagdududa sa kakayahan ni Robin na maging senador. Mungkahi niya, mag-research sana ang mga tao tungkol sa plataporma ni Robin at panoorin ang mga panayam sa kaniya.

Ilang beses na raw 'bumagsak' ang kaniyang biyenan subalit lagi nitong nagagawang bumangon para sa kaniyang sarili, na tiyak daw na magagawa nito sa bayan.

Samantala, maayos na raw ang relasyon ni Kylie bilang co-parents sa kanilang mga anak.

Matatandaang si Robin ang nambuking sa dahilan ng hiwalayan umano ng anak at ni Aljur.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/28/kylie-padilla-inusisa-ni-robin-hinggil-kay-aljur-okay-na-kayo/">https://balita.net.ph/2021/11/28/kylie-padilla-inusisa-ni-robin-hinggil-kay-aljur-okay-na-kayo/