Isang taga-Metro Manila ang nagwagi ng tumataginting na₱71.3 milyong jackpot ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa paabiso ng PCSO nitong Miyerkules, nahulaan ng mapalad na mananaya ang six-digit winning combination na 44-05-17-48-13-43 ng Super Lotto 6/49 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na₱71,360,581.

Ayon naman kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Pasay City.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, pinayuhan ni Garma ang lucky bettor na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

National

PPBM admin, tanggap pagpasok ng 'tunay na oposisyon' sa Senado; 'pekeng oposisyon,' lalabanan!

Kailangan rin aniya nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong identification (ID) cards.

Ang Super Lotto 6/49aybinobolatuwing Martes, Huwebes at Linggo.