Layunin pa rin ng pambansang pamahalaan na ganap na mabakunahan ang hindi bababa sa walo hanggang siyam na milyong Pilipino laban sa Covid-19 sa pagtatapos ng administrasyong Duterte sa Hunyo, sinabi ng Department of Health (DOH).

“If our target is 77 million hanggang sa dulo ng Hunyo (by the end of June), we’re looking at around eight to nine million still individuals to be vaccinated by the end of June this year,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Martes, Mayo 10.

Mahigit 68 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan laban sa viral disease noong Mayo 9, ani Vergeire.

Samantala, hinimok ng tagapagsalita ng DOH ang mga Pilipinong kwalipikado na para makakuha ng kanilang mga booster shot.

National

Hindi paggamit ng ‘mother tongue’ sa pagtuturo sa Kinder – Grade 3, naisabatas na!

Sinabi ni Vergeire na 13.5 milyong mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nakatanggap na ng kanilang mga booster shot.

“More than 38.7 million are not yet boosted. The DOH is highly encouraging you to get the jab,” aniya.

Analou de Vera