Isa sa mga nagpaabot ng pagbati sa pangunguna sa resulta ng halalan ni presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, na umpisa pa lamang ay nagpakita na ng pagsuporta sa UniTeam sa pamamagitan ng pagsama sa kampanya.

"Congratulations po MR. PRESIDENT FERDINAND 'Bongbong' MARCOS JR (at syempre pa ang ating magandang Vice President INDAY SARA DUTERTE madam hahanap pa 'ko maganda nating picture hehe).

View this post on Instagram

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Nakaranas ng 'cancel culture' ang komedyante matapos amining tagasuporta siya ng BBM-Sara tandem at pabulaanan na siya ay maka-Leni.

Nagpahayag din siya ng kasiyahan at pasasalamat dahil may 1M followers na siya sa TikTok.

"Salamat po sa 1M sa TikTok ko salamat mga TikTokers. Wohooooooooooooo."

Marami naman sa mga netizen ang nagpaabot ng kanilang pagbati kay Ai Ai.