Nagpaalala ang actress-TV host-vlogger na si Rica Peralejo-Bonifacio sa mga kapwa botante, sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 9.

Makikita sa kaniyang litrato na nakapila siya upang bumoto. Aniya, mahaba ang pila dahil 8:00 pa lamang ng umaga ay nakapila na sila. Huwag na huwag daw mainip at tiyakin ng mga botante na maibibigay ang resibo sa kanila at naipasok ang kanilang balota sa machine.

View this post on Instagram

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)

"Kanina pang alas otso. Di pa nakakaboto. Nakapila pa din po. Ineencourage ko po na maghintay tayo. Alam ko po mainit, nakakangawit. Pero wag na wag po iiwan yung balota na di nakikita ang resibo ha? Bantayan po natin yung boto natin."

Bukod doon, may mga ekstrang paalala pa ang vlogger sa mga botante.

"Paalala na bukod sa mga alam niyong dadalhin niyo na, observation ko pa na pwede sana to: bring pamaypay, bring portable upuan if kaya, bring water and snacks, bring kasama. Buddy system para pag may isa na nagugutom pwedeng yung isa ang tumakbo for snacks or what have you!"