Bad news sa mga motorista.

Asahan ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Mayo 10.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas sa Martes, Mayo 10, ng P4.70 hanggang P4.90 ang presyo ng kada litro ng kerosene, P4.30-P4.50 sa presyo ng gasolina at P3.80-P4.00 naman ang marahil na ipapatong sa presyo ng diesel.

Ang napipintong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nitong Abril 26 huling nagtaas ng P4.10 sa presyo ng diesel, P3.50 sa presyo ng kerosene, at P3.00 naman sa presyo ng gasolina.