Isa si Kapamilya actor Enchong Dee sa mga celebrity na nagtungo sa miting de avance ng Leni-Kiko tandem sa Makati City nitong Mayo 7 ng gabi, upang ipakita at makadapaupang-palad nang personal si Vice President Leni Robredo.

Hindi naman nabigo si Enchong dahil may kuhang litrato sila ni VP Leni gayundin ang Robredo sisters, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post sa naturang araw.

Muli niyang inulit ang kaniyang paninindigan para sa kandidatura ni VP Leni. Nauna na niyang sinabi at ipinahayag ito noong nagdeklara ng intensyong pagtakbo ang pangalawang pangulo, noong filing ng certificate of candidacy.

"Tumitindig, Lumalaban, Nakikiisa para sa Gobyernong Tapat!," pahayag ni Enchong sa kaniyang caption.

Nagkomento rito ang isa sa mga anak ni VP Leni na si Aika Robredo.

"We missed you, Enchong!!" sey ni Aika.

Tumugon naman dito ang actor-TV host.

"@aikarobredo I couldn’t miss today’s historical day. I’m proud of you and your sisters. Andito lang ako lagi para sa pamilya n'yo💕 Mabalos💖," aniya.

Samantala, ibinahagi naman ni Angel Locsin sa kaniyang Instagram story ang pagkikita-kita nila nina Enchong Dee at Shaina Magdayao, dalawa sa 'Salazar siblings' ng pelikulang 'Four Sisters and a Wedding' sa naturang miting de avance.

Enchong Dee, Shaina Magdayao, at Angel Locsin (Larawan mula sa IG/Angel Locsin)

Kakampink din si 'Bobbie Salazar' na si Bea Alonzo.

Samantala, si 'Teddie Salazar' naman na ginampanan ni Toni Gonzaga ay nasa panig ng UniTeam.