Kasunod ng balitang tuloy na tuloy na sa Disyembre ang Miss International pageant matapos ang dalawang taong pagkakaunsyami, agad ding nagpasabog ang Pinay representative ngayong taon na si Hannah Arnold.

Kilig ang naramdaman ng Pinay bet na si Hannah Arnold nang unang makita ang sarili sa Miss International page sa Instagram. Dalawang taon din ang hinintay ni Hannah para maituloy ang kompetisyon.

Sa dalawang larawan ng Pinay rep, mababakas na agad ang aura at glow ni Hannah sa napipintong laban sa Japan. Ito rin ang napansin ng pageant fans at queen sisters sa pageant industry.

"Fresh!!! Crown ready!! ❤️‍🔥 👑" komento Gazini Ganados sa larawan ni Hannah.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Umaasa ang Pinay beauty queen na ibabalik niya sa bansa ang korona ngayong taon.

“Nakakakilig to see myself on the Miss International page 🥺🥰. A pageant I have admired since my fellow Masbateño Ate Bea Santiago shared an inspirational message full of Hope and gratitude on that stage. A pageant that taught us about cultural understanding when Ate Kylie Versoza raised our flag. A pageant that celebrates beautiful Binibinis and 6 Filipino queens before me. 😍”

Dagdag niya, “I know we still have a few months until the 2022 pageant, but all of us candidates and the organisation are just so excited that everything is starting and that the international audience will be together again in Japan🙏🇯🇵”

Ang ika-60 edisyon ng Miss International ay tutugon sa adbokasiya ng United Nations Sustainable Development Goals.

Kung mananalo, si Hannah ay magiging ikapitong Pinay Miss International titleholders.