Napa-react si showbiz columnist Ogie Diaz kay Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia nang magsalita ito tungkol sa pakiramdam niyang siya ang pinatatamaan ni Unkabogable Star Vice Ganda, sa blind item nito tungkol sa isang kakilala na naging 'troll' dahil walang-wala na itong pera.

Sa isang episode ng 'Showbiz Update' kasama si Mama Loi, ipinagdiinan ni Ogie na hindi si Juliana ang tinutukoy ni Vice Ganda. Marami raw kasi ang bumubuyo at nangungumbinsi kay Juliana na siya nga ang pinatatamaan ng komedyante.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/26/juliana-segovia-umalma-sa-viral-na-pahayag-ni-vice-ganda-kaugnay-ng-isang-kakilalang-troll/">https://balita.net.ph/2022/04/26/juliana-segovia-umalma-sa-viral-na-pahayag-ni-vice-ganda-kaugnay-ng-isang-kakilalang-troll/

"Kapag feeling mo hindi naman ikaw ang tinutukoy ‘wag mo angkinin ang blind item, kawawa naman ‘yung totoong may-ari?

“Pero sa pagkakataong ito ‘yung kay Vice Ganda hindi si Juliana Parizcova ang tinututukoy ni Vice Ganda. Ako na ang nagsasabi sa inyo, sinabi sa akin kung sino ‘yun at oo nga, noong chineck ko, oo nga. Nagto-trolling. Kaya siguro si Vice Ganda nagtataka kung bakit nagre-react hindi naman siya ‘yung tinutukoy,” sey ni Ogie.

“Naintindihan ko siya kung career wise kung ako ang manager ni Vice sasabihin ko, ‘Wag mo nang patulan ‘yan, dedma ka kasi hayaan mo siyang mag-react, mag’isip nang mag-isip basta ang bottom line hindi siya ‘yun," dagdag pa ng showbiz columnist.

Nagbigay naman ng payo si Ogie kay Juliana.

“Juliana Parizcova sorry to tell you, hindi ikaw ang tinutukoy ni Vice Ganda. Mapanatag na loob mo, huwag ka nang masyadong magsasagot kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka nanghihingi thru GCash, unless gusto mong patulan, nag-eenjoy ka. Kaya dedma na Juliana, hindi ikaw ‘yun.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/01/tanong-ni-juliana-kay-vice-ganda-tungkol-sa-alaga-nito-meme-pinag-aaway-po-ba-niya-tayo/">https://balita.net.ph/2022/05/01/tanong-ni-juliana-kay-vice-ganda-tungkol-sa-alaga-nito-meme-pinag-aaway-po-ba-niya-tayo/

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang screengrab ng umano'y mga utang ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia na aabot sa ₱300K, na matagal na umano niyang pinoproblema noon pang 2021.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/27/juliana-nakalikom-ng-higit-%e2%82%b1300k-pambayad-utang-dahil-sa-ambagan-ng-uniteam-supporters/">https://balita.net.ph/2022/03/27/juliana-nakalikom-ng-higit-₱300k-pambayad-utang-dahil-sa-ambagan-ng-uniteam-supporters/

Dahil sa isang donation drive ay nakalikom ng higit ₱300K si Juliana sa pinagsama-samang tulong ng mga UniTeam supporters, na nagpadala ng kanilang tulong para sa kaniya, sa pamamagitan ng GCash at bank account. Nagpasalamat naman si Juliana sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa kaniya.