Muling naglabas ng opisyal na pahayag ang Viva Artists Agency, Inc., ang talent management na nangangasiwa sa career nina Popstar Royalty Sarah Geronimo at mister nitong si Matteo Guidicelli, na wala umanong ineendorsong mga kandidato o partido ang mag-asawa para sa nalalapit na halalan.

"Contrary to the rumors circulating, our artists, Sarah Geronimo-Guidicelli and Matteo Guidicelli, are not endorsing any political candidate for the upcoming elections," pahayag ng talent management sa kaniyang opisyal na social media accounts.

May be an image of text that says 'ARTISTS AGENCY, INC. Contrary to rumors circulating, our artists, Sarah Geronimo-Guidicelli and Matteo Guidicelli, are not endorsing any political candidate for the upcoming elections. For updates and announcements, please only refer to verified and official social media accounts. @vivaartistsagency @VivaArtists_'
Screengrab mula sa Twitter/Viva Artists Agency

Nag-trending na namang muli si Sarah Geronimo sa Twitter dahil nakaabang na ang mga netizen kung kaninong kandidato siya maninindigan.

Matatandaang kumalat sa social media ang isang litrato kung saan hinulaan ng mga netizen na siya ang babaeng nakasuot ng pink outfit. Baba o chin lamang ang makikita sa naturang litrato subalit tila nakakahawigan ito sa sikat na singer-actress.

Nauna nang naglabas ng opisyal na pahayag ang Viva tungkol dito.

“A screenshot of an Instagram story is circulating online supposedly from the account of Viva Artists Agency ('VIVA')," saad nila noong Abril 26.

“The post was altered and was never published on any official VIVA social media account.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/27/viva-artists-agency-nilinaw-ang-pagkalat-ng-litrato-ng-babaeng-naka-pink-pinagpalagay-na-si-sarah-g/">https://balita.net.ph/2022/04/27/viva-artists-agency-nilinaw-ang-pagkalat-ng-litrato-ng-babaeng-naka-pink-pinagpalagay-na-si-sarah-g/

Kahit nga naka-hiatus ay talaga namang inaabangan ng mga netizen si Sarah lalo't naisyu pa na palihim daw siyang nagbuntis at nanganak, bagay na pinabulaanan naman ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/sa-haka-hakang-inilihim-daw-ang-pagbubuntis-sarah-geronimo-inakalang-nanganak-na/">https://balita.net.ph/2022/05/02/sa-haka-hakang-inilihim-daw-ang-pagbubuntis-sarah-geronimo-inakalang-nanganak-na/

Ang nanganak daw kasi ay ang alaga nilang kabayo na pinangalanan nilang 'Maple'.