Sa hindi raw inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang mga landas ng mag-ex jowang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa isang miting de avance ng lokal na kandidato sa District 2 ng Quezon City, kung saan pareho silang imbitado.

Hindi maawat ang tilian ng mga nagsidalo nang papanhikin at tawagin sa entablado ng ilang mga kandidato si Diego, pagkatapos kumanta ni Barbie.

Kinilig naman ang mga netizen dahil talagang nasorpresa si Barbie sa pagbulaga ni Diego, at nagkatinginan na lamang sila. Lalo namang nagwala ang audience at nanawagang magkabalikan na sana sila.

“Sorry nanggulo ako, narinig ko lang kanta mo. Medyo naapektuhan ako sa backstage. Pero sige ituloy mo na. Go na, go na,” game na sabi pa ni Diego sa kaniyang ex-jowa.

Nang tawagin naman si Diego, inamin niyang hindi niya talaga inasahang magkikita sila ni Barbie doon.

Nagwala ulit ang mga tao nang kantahin ni Diego ang "Ako’y Sa’yo, Ika’y Akin."

Matatandaang noong Pebrero 5 ay inamin ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/">https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/

Sa isang panayam, sinabi ni Barbie na hindi na siya nakikipagbalikan sa mga ex niya. Hindi pa nangyari na nagka-second chance siya sa mga naging karelasyon niya, so baka malabong mangyari ang hiling ng mga tao.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/16/barbie-hindi-nakikipagbalikan-sa-mga-ex-jowa-learn-to-let-go/">https://balita.net.ph/2022/02/16/barbie-hindi-nakikipagbalikan-sa-mga-ex-jowa-learn-to-let-go/

"Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex. Doon na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi noong time na 'yun na magkasama kami, sana 'yun na yung time na okay lahat," saad niya noon sa isang press conference.

"Biggest lesson ko pagdating sa love is learn to let go. Kasi minsan di na rin enough yung mahal niyo yung isa’t isa. Like, if kung wala nang growth, wala na kayo naiaambag na growth para sa isa’t isa. Para saan pa yung relationship if puro away, puro pangit nangyayari?"

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Barbie nang mapa-shot puno siya ng mga tambay habang nasa kalagitnaan ng caravan sa Pasig City.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/07/barbie-imperial-nandiri-ba-nang-abutan-ng-shot-puno-habang-nagka-caravan/">https://balita.net.ph/2022/05/07/barbie-imperial-nandiri-ba-nang-abutan-ng-shot-puno-habang-nagka-caravan/

Samantala, nakapanayam naman ni Ogie Diaz si Diego at dito nga ay inamin ng aktor kung ano ang estado nila ngayon ni Barbie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/07/barbie-at-diego-nagkabalikan-nga-ba-sey-ng-aktor-isiniwalat/">https://balita.net.ph/2022/05/07/barbie-at-diego-nagkabalikan-nga-ba-sey-ng-aktor-isiniwalat/

Pag-amin naman ni Diego, magkaibigan sila ngayon ng aktres. Gayunpaman, hindi nito sinasara ang posibilidad ng kanilang comeback.

“Friends kami. Hindi naman ako nagko-kontrol ng universe. Kahit ano pwede naman maaaring mangyari. Pero sa ngayon friends kami,” ani Diego.

“I’m happy loving myself,” dagdag ng aktor.

Kumpiyansa ring sinagot ng aktor ang naging maayos na hiwalayan nila ni Barbie na nagkaroon umano ng closure nang bumalik siya sa Pilipinas.