Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagtagay ni Kapamilya actress Barbie Imperial habang nasa kalagitnaan ng caravan ng ineendorsong partido sa Pasig City, noong Mayo 1, 2022.
Sa isang viral video, makikitang inabutan si Barbie ng isang 'shot glass' nang madaanan ng kanilang caravan ang isang grupo ng mga lalaking nagtotomahan.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/barbie-imperial-pinatagay-ng-alak-habang-nagca-caravan/">https://balita.net.ph/2022/05/02/barbie-imperial-pinatagay-ng-alak-habang-nagca-caravan/
Game na game na kinuha naman ni Barbie ang 'shot puno' at tinungga ang alak na laman nito.
Hindi lamang iyan, inabutan din siya ng isang cup noodles na nagsilbing chaser niya.
"Sarap nung chaser, lasang bulalo," pagbibiro pa ng aktres.
Umani ang kaniyang mga post ng mga nakakatawang reaksyon mula sa mga netizen. Marami rin ang pumuri sa aksyon ni Barbie dahil wala nga namang mag-aakalang kakasa ito sa tagayan portion.
Sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Barbie sa 'Ogie Diaz Showbiz Update', sinabi ni Barbie na hindi naman daw siya nandiri sa kaniyang ginawa, kahit hindi siya sigurado kung ilang labi na ba ang dumampi sa naturang baso.
Kahit hindi pa siya artista ay sanay naman daw siya sa mga ganoong tagayan, lalo na kapag may fiesta sa probinsya.
"Hindi po ako nandiri. Parang siguro po yung life ko before, before ako maging artista, parang ganoon din sa mga fiesta. So hindi naman po siya nakakadiri sa akin," aniya.