Muling ibinahagi ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang kaniyang viral campaign video para sa matalinong pagboto sa darating na halalan, na unang umere noong Pebrero.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

"Kaya yung eleksyon sa May 2022, ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw. Halughugin ang bio data mula High School hanggang College. Alamin at tingnan ang character references."

"'Wag magpapabudol at 'wag sa magnanakaw!" bahagi ng pinag-usapang campaign video.

Dalawang araw bago ang aktuwal na halalan ay muli niya itong ibinahagi sa kaniyang social media. Kuwento niya, nang alukin daw sa kaniya ito ay walang pagdadalawang-isip na umoo siya.

"Naalala ko nung tinanong ako kung okay daw ba sakin gumawa ng ‘vote wisely’ video, walang patumpik tumpik kong sinagot na, “YES! Para ito sa Pilipinas, para sa kabataan, sa magiging mga anak ko” wala akong kaalam alam na nagdadalang baby na pala ko habang ginagawa namin ang video na ito," aniya.

"May mga kaibigan at kapamilya akong natakot para sakin sa ginawa kong pagbigay ng suporta. Pero hindi ko yun ininda dahil alam kong nasa tama ako, gagawin ko ang nararapat para sa bayan, at ngayon nga, para sa anak ko."

Kaya naman panawagan niya:

"Sana, kababayan, ikaw din. Sana ikaw din tumindig. Sana ikaw din maintindihan ang karapatan mo, at gamitin ito sa tama. Ngayon may pagkakataon ka nang lumaya. Tara na! Ipanalo na natin ito."

Isang certified Kakampink si Angelica na ngayon ay buntis sa anak nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Samantala, naglabas ng parody video nito si Juliana Parizcova Segovia na likha naman ng VinCentiments sa direksyon ni Darryl Yap.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/">https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/