All-out na ang suporta ni Ruffa Gutierrez kasama ang kanyang mga magulang para sa kaibigan at kandidato sa pagkapangulo na si Senador Manny Paqcuiao.

Sa ibinahaging Instgram post ng actress-host, in full-force na ang pagsuporta ng kanyang magulang na si Eddie Gutierrez at Anabelle Rama sa huling bahagi ng kampanya ng senador.

“Joining our family friend, Senator Manny Pacquiao, on the campaign trail tonight here in Cebu and tomorrow in Gen San,” mababasa sa IG post ni Ruffa, Biyernes.

Muli ring inalala ng aktres ang karangalang ibinigay ng People’s Champ sa Pilipinas sa kaniyang hindi matatawarang rekord sa larangan ng boxing.

“Senator MP is a self-made man, a boxing champion who brought HONOR and PRIDE to our country by being the only boxer in history to win 12 major titles in eight different weight divisions,” ani Ruffa.

Binalikan din ni Ruffa ang naging istorya ni Pacquiao na mula sa hirap na kalauna'y naging instrumento aniya para makatulong sa kapwa.

“He rose from poverty and consistently gives back to his countrymen. Maka-Diyos, maka-masa, mabuti ang puso, at higit sa lahat, maraming natulungan. 🙌🏻”

“You are an inspiration to persevere and work hard. Truly an icon. MABUHAY KA, MANNY PACQUIAO!! 👊🏼🇵🇭 God bless you on all your future endeavors. 🙏🏻”

Ilang serye ng larawan ng mga magulang ng aktres kasama ang senador ang makikita sa nasabing Instagram post.