Sa isang Instagram post, Biyernes, pormal na ring ibinalandra ng premyadang Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Isang maikling paalala ang ipinaskil ng aktres para sa mga Pilipino kabilang ang karapat-dapat na pamumuhay sa susunod na anim na taon.

Sa huli, nanindigan si Bea na ang kanyang boto ay para sa Pilipino.

Mapapansin ang emoji ng rosas na ginamit ng aktres sa kanyang post at ang mga hashtags na #IpanaloNa10ParaSaBayan, at #Eleksyon2022.

Nauna nang naging bahagi ng election campaign ng GMA Network si Bea kung saan hinikayat nito ang mga botante na magsaliksik para sa matalinong boto sa darating na Mayo 9.