Nag-advance celebration ang celebrity couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza sa Bohol para sa kanilang 5th Anniversary bilang magkasintahan.

Sa kani-kanilang Instagram, nag-upload sila ng kanilang tila sizzling hot photos sa Bohol na may kalakip na mensahe sa isa't isa.

"Sobrang thankful ako sayo Madam! Sa effort na ginawa mo para matuloy tong trip na to, all credits to you mahal ko. Salamat, kailangan talaga natin to after ng trabaho," saad ni Jak.

"Sobrang saya ko na finally may nakasama din akong “The One” sa beach at isa nanaman sa pangarap ko ang natupad! Advance happy 5th Anniversary Madam! Mahal na mahal po kita!" dagdag pa niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Hindi rin naman nagpahuli ang Kapuso actress.

"Almost five years of genuine happiness because of this man. My man.@jakrobertoI love you so much," aniya.

Umani naman ito ng mga komento mula sa netizens na kilig na kilig sa kanilang dalawa.

Unang nagtambal ang dalawa sa GMA teleserye na Meant To Be noong 2017.