Muling ipinakita ng dating 'Pinoy Big Brother (PBB)' host na si Toni Gonzaga ang kaniyang pagsuporta kay UniTeam standard bearer Bongbong Marcos, Jr. na tinawag niyang 'Our President', sa naganap na miting de avance ng naturang partido sa Guimbal Football Field sa Iloilo City, nitong Martes ng gabi, Mayo 3.

Sa kaniyang Instagram story, makikita ang litrato nilang dalawa ng mister na si Direk Paul Soriano habang nakatalikod at nakatingin kay BBM, na nasa harapan ng bandila ng Pilipinas, sa ibabaw ng entablado.

"Our President @bongbongmarcos," saad ni Toni sa caption.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Hindi na rin siya kumanta ng 'Roar' at 'Titanium' kundi 'Umagang Kay Ganda' na ang inawit niya para sa mga nagsidalong tagasuporta ng BBM-Sara. Ginamit din ang naturang awitin sa campaign video ng tandem.

Matatandaang umani ng katakot-takot na kritisismo at pag-cancel si Toni nang magpahayag siya ng pagsuporta sa UniTeam at maging host pa ng proclamation rally nito noong Pebrero 8. Tinawag siyang 'The Unbothered Queen'. Sa kabila nito, marami rin ang nagtanggol sa kaniya at dumami pa ang mga subscriber sa social media, lalo na sa kaniyang YouTube channel na 'ToniTalks'.

Kinabukasan, agad siyang nagbitiw bilang PBB host at ipinasa ang korona kay Bianca Gonzales.