Muling inawit ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang iconic at hit song na 'Mr. DJ' nang maging panauhin siya sa isang radio station sa Zamboaga, nitong Mayo 3, 2022.

"IG Live earlier tonight from ZAMBOANGA!" sey ni Mega sa kaniyang Instagram post, habang umeere ang kaniyang panayam sa FM radio station na 96.3 iFM Zamboanga.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Muling natanong si Shawie tungkol sa kontrobersyal na talumpati niya sa sortie ng Leni-Kiko tandem sa Sta. Rosa, Laguna. Dito ay muli niyang inulit at pinagdiinang matagal na siyang malapit sa pamilya Marcos noong bata pa siya, lalo na kay BBM, ngunit mas malapit siya kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte, na kalaban ng kaniyang mister na si Senador Kiko Pangilinan, sa pagkapangalawang pangulo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/bbm-sara-matagal-nang-kakilala-kaibigan-ni-sharon-pero-leni-kiko-pa-rin-daw-ang-dapat-iboto/">https://balita.net.ph/2022/05/03/bbm-sara-matagal-nang-kakilala-kaibigan-ni-sharon-pero-leni-kiko-pa-rin-daw-ang-dapat-iboto/

Ipinagdiinan din ni Sharon na nagtampo at hindi siya sang-ayon sa maraming desisyon sa pahayag at pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/sharon-sister-si-sara-tatay-ang-turing-kay-prrd-pero-nadismaya-sa-isang-pahayag-nito-noon/">https://balita.net.ph/2022/05/03/sharon-sister-si-sara-tatay-ang-turing-kay-prrd-pero-nadismaya-sa-isang-pahayag-nito-noon/

Inamin din ng Megastar na ito ang 'toughest elections' na naranasan niya lalo't nakalaban pa ng kaniyang mister ang kaniyang tatay-tatayan na si Senate President Tito Sotto III, mister ng kaniyang tiyahing si Helen Gamboa.

Sa dulo ng panayam ay muling nagpatikim si Shawie ng ilang linya mula sa kaniyang awiting 'Mr. DJ'.

"Mr. DJ can I make a request? Thank you, 96.3 iFM Zamboanga for guesting me last night! Muchisimas gracias sa inyong lahat for listening in and watching our live feed as well! I love you, Zamboanga City," saad ni Shawie sa kaniyang IG post.