'4 sisters and a wedding minus 1?'

Nagpahayag ng suporta ang TV actress na si Shaina Magdayao sa pagka-pangulo ni Bise Presidente Leni Robredo.

Sa Instagram post ng aktres, sinabi nitong nais niyang maging rosas ang kulay ng bukas.

"Ako si Shaina Magdayao, Pilipino. Tax payer. At gusto ko ng bukas na kulay rosas #LetLeniLead2022 #KulayRosasAngBukas," caption ni Shaina sa kanyang post.

National

DOH: Kumpirmadong kaso ng mpox sa 'Pinas, 18 na

Ikinatuwa naman ng netizens ang pagpapahayag ng suporta ni Shaina kay Robredo.

Samantala, isa rin si Bianca Gonzalez-Intal sa nagpasalamat kay Shaina sa pagtindig nito para sa kulay rosas na bukas.

"SHAINA!!!! Maraming salamat sa pagtindig!!!!" Tweet ni Bianca.

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1521466230195982338

Agad namang nag-react ang netizens sa tweet at balikan ang magkakapatid na Salazar sa pelikulang "Four Sisters and a Wedding," na ginampanan nina Bea Alonzo, bilang si Bobbie; Angel Locsin, nilang Alex (Alexandra); Toni Gonzaga, bilang Teddie; Shaina, bilang Gabbie; at Enchong Dee, bilang si CJ.

Itinuring naman ng netizens na "blacksheep" si Teddie — na ani nila'y nagsinungaling at nameke ng diploma.

Samantala, hinihintay na rin ng netizens na maglabas ng manok si Bobbie o Bea nang makumpleto na ang listahan ng mga sinusuportahan ang Salazar siblings.