Hindi pinalagpas ni Manila Mayor Isko Moreno ang Facebook post ng isa umanong Kakampink o tagasuporta ni Vice President Leni Robredo matapos gamitin nito ang kanyang hubad na larawan bilang display photo sa nauusong political frame sa social media.

“Bait talaga ng mga Kakampink! Galit kayo sa pag aartista ko na nag-ahon sa aking kahirapan. Pero gamit nyo naman lagi puro artista! Gusto nyo high resolution copy?” tila nainsultong saad ni Isko kalakip ang screenshot ng naturang post at larawan ng nasabing Kakampink.

Burado na ang naturang post sa pag-uulat.

Muli ring nanawagan ang alkalde sa parehong post ng “#WithdrawLeni,” “#LetLeniLeave,” at “#NoToDilawan/Pink.”

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Matatandaang mainit na pinuntirya ng alkalde si Vice President Leni Robredo matapos umano'y hingin ng kampo nito na umatras siya sa halalan. Ilang ulit namang itinanggi ng kampo ni Robredo ang nasabing alegasyon.