Sigurado na ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano na Leni-Kiko tandem ang kanilang pupusuan sa darating na eleksyon.

Muling nanligaw ang tambalang "DonBelle" sa bagong promotion video na kung saan ay inilatag nila ang mga tanong na dapat ay nasasagot ng mga kandidatong karapat-dapat ihalal.

https://twitter.com/donnypangilinan/status/1521446257415569408

"Tuwing eleksyon, dapat 'yan ang tinatanong natin sa mga kandidato: 'Love mo ba ako? Love mo ba ang pamilya ko? Love mo ba ang mga kaibigan ko, ang mga kapwa kong Pilipino?" Tanong ng DonBelle.

Para kay Belle, unang beses niya boboto at ang pakiramdam niya ay pumupili siya ng una niyang makaka-relasyon.

Giit ng phenomenal tandem, bukod sa pagpapakita ng pagmamahal ay dapat nagpapakita rin ang kandidatong iboboto sa panahon ng pangangailangan.

Ani DonBelle, "Yung pagsisilbihan ka. Tinulungan ka nung walang-wala ka. 'Yung ititindig ka. 'Yung may respeto sa'yo. Hindi ka aabusuhin, hindi ka lalamangan, hindi ka kakawawain. 'Yung hindi ka iiwanan, lalo na sa mga panahon ng kagipitan. Because the number one ingredient for love, besides character, is showing up during the most difficult times."

"'Yung leader na grabe magmahal. At ipapakita 'yan sa praktikal na paran. Hindi ka bibitawan kahit ano mang bagyo, pandemic, at problema ang harapin niyo. Hindi tinitignan kung gusto mo s'ya o ayaw mo s'ya. Basta Pilipino, pantay-pantay tayo," dagdag pa ng phenomenal couple.

Paalala naman ng dalawa, bilang isang kabataan, dapat ay ipinapakita ng mga ito ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagboto nang tama.

"Voting for the right candidate is an act of love."

Kaya naman ang DonBelle sigurado na, "Dahil sina Leni at Kiko, siguradong pipiliin tayong mga Pilipino."